Department of OFW Bill, kinakailangan nang maipasa —Pastor Apollo C. Quiboloy

Department of OFW Bill, kinakailangan nang maipasa —Pastor Apollo C. Quiboloy

PARA kay Pastor Apollo Carreon Quiboloy ng The Kingdom of Jesus Christ  dapat na maitatag ang nakabinbing Department of OFW Bill sa Senado para sa kapakanan ng mga overseas Filipino worker (OFW).

Ayon sa butihing Pastor na kinakailangan na itong maipasa para may mapupuntahan ang mga manggagawa na nais magtrabaho sa ibang bansa.

Matatandaang isinusulong ni Sen. Christopher Bong Go ang pangangailangan at pagtatatag ng Department of Overseas Filipino Workers  kasunod ng libu-libong OFW na naapektuhan sa umiiral na COVID-19 pandemic.

Base sa panukalang batas, ang Department of Labor and Employment (DOLE) ang tututok sa domestic labor habang ang DOFW ay siyang tututok sa mga OFW.

Ang DOFW ang mangunguna para bigyang solusyon ang mga problemang kinakaharap gayundin ang mga benepisyong dapat na matanggap ng mga domestic workers.

Magsisilbi rin itong takbuhan hindi lang ng ating mga kababayan sa ibang bansa pati na rin ng kanilang pamilya kapag may problema.

Magiging mandato rin ng DOFW ang pagmomonitor sa mga recruitment at placement agency sa bansa upang walang mabiktima ng mga illegal recruitment

Ngayon ay maraming ahensya ng pamahalaan ang pinupuntahan ng isang OFW para ayusin ang kanyang papeles at kapag may kailangan.

Pero kung ang DOFW ay maitatag, magiging “one-stop-shop” ito para sa mga manggagawa na nais magtrabaho sa ibang bansa.

SMNI NEWS

BASAHIN:

—Pangulong Duterte, template ng leadership sa Pilipinas —Pastor Apollo C. Quiboloy

—Pastor Apollo C. Quiboloy sa guilty verdict laban kay Trillanes: ‘No one is above the law’

—Taumbayan, hindi na maloloko —Pastor Apollo C. Quiboloy

—Pnoy, dapat dumalo sa planong pagpupulong kaugnay sa isyu ng WPS —Pastor Quiboloy

—Pangulong Duterte, bumisita kay Pastor Apollo sa Davao City

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *