Department of OFW Bill
National

Department of OFW Bill, hinimok na iprayoridad ng Kongreso

HINIHIMOK ni Albay Rep. Joey Salceda ang Kongreso na ipasa sa lalong madaling panahon ang Department of OFW Bill sa halip na unahin ang Department of Disaster Resilience Bill.

Ayon kay Salceda, number 4 sa priority ng LEDAC meeting ang OFW Dept. Bill kaya nararapat itong iprayoridad lalo pa at patapos na ang budget deliberations sa Kamara.

Binigyang diin pa ni Salceda ang bigat ng pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kaniyang 2019 SONA na ipasa sa lalong madaling panahon ang bill.

Sa ngayon ay tinatalakay na ng Kamara sa pinakaunang pagkakataon ngayong 18th Congress ang panukala.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *