National Dengue Epidemic
Health

Department of Health, nagdeklara ng National Dengue Epidemic

NAG-deklara ang Department of Health ng National Dengue Epidemic sanhi ng dumaraming kaso ng dengue sa buong bansa.

Sinabi ni Health Secretary Francisco Duque na umabot na sa 622 ang kaso ng nasawi sanhi ng dengue at nasa mahigit 1, 000 na ang recorded cases mula Enero hanggang Hulyo ngayong taong, di hamak na mas mataas ng 98% kumpara noong nakaraang taon.

Ang kanlurang bahagi ng Visayas ang may pinakamaraming naitala ng kaso ng dengue na umabot sa 23,300 sa Calabarzon umabot sa 16, 515 na kaso, sa Zamboanga Peninsula 12, 317 na kaso, sa Northern Mindanao 11, 455 at sa SOCCSKSARGEN ay 11, 083 na kaso ng dengue.

Dagdag pa ni Duque, mas mainam umanong magdeklara ng national epidemic upang magamit ng mga apekatadong lugar ang kanilang mga quick response fund.

Sinabi rin ni Duque na nasa mahigit sampung libong kaso ng dengue ang naitala simula lamang ika-labing apat ng Hulyo hanggang ika-dalawampu ngayong buwan.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *