Department of Education
National Regional

Department of Education, dumipensa sa CR na ginawang faculty room

DUMIPENSA ang Department of Education o DepEd matapos ulanin ng batikos dahil sa kawalan umano ng aksyon sa isang public school na ginawang faculty room ang palikuran ng paaralan.

Ayon kay Education Sec. Leonor Briones, gumawa na ng konkretong hakbang ang kagawaran para matugunan ang problema.

Inamin ni Briones na malaki ang naging epekto ng kanilang desisyon na ilipat sa single-shift ang mga klase ngayong school year dahil ilang faculty rooms ang kinailangan i-convert bilang classroom.

Giit ni Briones, mismong mga guro ang pumili na gawing faculty room ang isang CR ng Bacoor National High School.

Ito’y sa kabila na mismong principal ng eskwelahan ang nagsabing pwedeng gamitin ang kanilang library, guidance center at advisory classrooms bilang faculty room.

Kaugnay nito, nag-isyu na ng memorandum ang school principal para lisanin ng mga guro ang comfort room na ginawang opisina.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *