Department of Agriculture, maglalaan ng P3-B pondo para sa mga magsasaka na apektado ng COVID-19

Department of Agriculture, maglalaan ng P3-B pondo para sa mga magsasaka na apektado ng COVID-19

HANDA ang Department of Agriculture na maglaan ng P3-B tulong para sa mga magsasaka naapektado sa gitna ng banta ng COVID-19.

Kagabi nang ipaalam ni Agriculture Sec. William Dar sa Inter-Agency Task Force Meeting na bukod sa P-3 bilyon assistance sa mga magsasaka ay mayroon din silang nakalinya na loan package para sa mga ito.

Ani Dar, mayroon silang sure aid loan package mula sa Agriculture Credit Policy Council na nagkakahalaga ₱2.8 billion.

Tiniyak din ng kalihim na patuloy silang nakikipagtulungan sa mga kooperatiba at asosasyon ng mga magsasaka para sa patuloy na food production, at magkaroon ng sapat na suplay ng pagkain ngayon at sa mga susunod pa.

Matatandaang isinailalim ni Pang. Rodrigo Duterte sa state of calamity ang bansa at sa “enhanced community quarantine” ang buong Luzon para mapigilan ang pagkalat ng COVID-19.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *