DENR Sec. Cimatu, binati ni Pang. Duterte sa tagumpay ng Manila Bay “White Sand” project

DENR Sec. Cimatu, binati ni Pang. Duterte sa tagumpay ng Manila Bay “White Sand” project

BINATI ni Pangulong Rodrigo Duterte si Department of Environment and Natural Resources o DENR Secretary Roy Cimatu sa tagumpay nito sa dolomite sand project sa Manila Bay.

Sa kanyang ulat sa bayan, sinabi ni Pangulong Duterte na sa hamon pa lang nito kay Cimatu na gawin ang naturang proyekto ay positibo na ang tugon ng kalihim na magagawa niya ang utos na ipinagkaloob sa kanya.

“Now going back to the ….of Cimatu….napabilib niya ako when he accepted my dare…”

—Pres. Rodrigo Duterte

Dagdag pa ni Pangulong Duterte, nagpapakita lamang ito ng determinadong aksyon ng isang opisyal ng gobyerno na nakahandang gumawa ng kung ano ang ikabubuti sa bansa.

Sambit ng punong-ehekutibo, dahil sa tagumpay ng naturang proyekto ay kahit papaano nagdulot ito ng kasiyahan sa mga tao sa gitna ng nararanasang hirap dulot ng pandemya.

“Now people are enjoying the area with the white sand kahit papaano. You do it, may masabi sila, you don’t do it, may masabi sila.”

—Pres. Rodrigo duterte

Mababatid na binuksan sa publiko ng dalawang araw ang bahagi ng manila bay na tinambakan ng dinurog na dolomite rocks mula sa Cebu.

Kasabay ng pagbubukas ng Manila Bay white sand ay idinaraos din ang International Coastal Cleanup Day  kung saan naghakot ng mga itinapong basura sa karagatan.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *