DENR: Manila Bay Rehabilitation Program, hindi useless

DENR: Manila Bay Rehabilitation Program, hindi useless

IGINIIT ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa mga kritiko na hindi useless ang Manila Bay Rehabilitation Program.

Ayon sa ahensiya, kung ikukumpara dati mas maraming basura at maraming nagkakasakit dahil sa maduming tubig.

Ginamit ng ahensiya ng maayos ang mga resources at makikita naman ang resulta sa Manila Bay rehabilitation program na walang nawala sa dolomite matapos ang walang tigil na pag-ulan.

Umapela naman ang grupo ng Metro Manila Development Authority (MMDA) Manila Bay Warriors sa publiko na kailangan magkaroon ng disiplina ang bawat isa kasunod ng pagbalik ng mga basura sa Manila Bay.

Sa kabila ng sama ng panahon dulot ni Bagyong Fabian, tuloy tuloy ang paglilinis ng mga tauhan ng DENR at MMDA sa Manila Bay.

Sandamakmak na basura ang kanilang nakolekta sa look kasunod ng walang tigil na pag-ulan.

Iginiit ng DENR na kahit saang beach area pumunta kapag dinaanan ng malakas na bagyo ay ganito rin ang magiging sitwasyon.

Kung hindi inayos ang Manila Bay ay mas lalong puro basura ang nakatambak dito.

Binigyang diin rin ni DENR Usec. Jonas Leones na wala namang nawala na dolomite sa Manila Bay.

“Ini-expect namin, talagang na-experience natin na kapag talagang may dumarating na bagyo, talagang maraming basura diyan. Ang ginagawa lang natin diyan, unlike before, prior to rehabilitation kasi, talagang puro basura iyan. Pero kung makita natin nagkaroon ng another additional layer so that ‘yung mga waste natin hindi pumupunta o lumalagpas sa Baywalk. Di ba? nililinis natin iyan. Continuous yung paglilinis natin diyan,”ayon kay Usec. Jonas Leones.

Inilihad ni Leones na ang mga basurang napadpad sa Manila Bay ay hindi lang nanggagaling sa Metro Manila kundi sa Bataan, Bulacan at Cavite.

Nagkaroon ng pagpupulong nakaraang araw ang DENR sa mga alkalde at mga gobernador sa Cavite upang paigtingin pa ang mga ginagawang hakbang pagdating sa waste management para matiyak na hindi na pupunta sa Manila Bay ang mga basura mula sa mga nasabing lugar.

Kinakailangan rin ng whole nation approach at disiplina upang tuluyang maresolba ang problema sa basura hindi lang sa Manila pati na rin sa iba pang anyong tubig ng bansa ayon kay Leones.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *