Dengvaxia scare
Health National

Dengvaxia scare, natuldukan na ayon sa DOH

NANINIWALA ang Department of Health (DOH) na nawakasan na ang Dengvaxia scare o takot na idinulot ng Dengvaxia vaccine controversy.

Base ito sa resulta ng survey na kinomisyon mismo ng Malacañang kung saan lumabas na tumaas nang muli ang kumpiyansa ng publiko sa vaccination program ng pamahalaan.

Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III batay sa naturang survey, 94% ng mga respondents ang nagsabing epektibo ang mga bakuna.

Nasa 89% naman ang naniniwalang ligtas ang mga ipinapamahaging vaccines habang 91% ang nagsabing maganda ang kalidad ng mga ito.

Ani Duque, nilarawan nito ang bumabalik na tiwala at nabawasang pangamba ng mga publiko sa bakuna.

Magugunitang sumadsad sa 32% ang tiwala ng publiko sa vaccine matapos ang isyu ng Dengvaxia.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *