dengue vaccine
Health

Dengue vaccine, walang kinalaman sa mataas na kaso ng dengue sa bansa —DOH

NILINAW ng Department of Health na walang kinalaman ang dengue vaccine na Dengvaxia sa pagtaas ng kaso ng dengue sa bansa.

Ito ang paliwanag ni Health Sec. Francisco Duque III kasabay ng deklarasyon ng national dengue alert.

Paliwanag naman ni World Health Organization (WHO) Country Representative Dr. Gundo Weiler na posibleng sanhi ng pagtaas ng bilang ng dengue case sa bansa ang ilang pagbabago sa kapaligiran.

Lumabas kasi sa pag-aaral ng WHO na kada tatlong taon mula 2010 ay may trend sa pagtaas ng dengue cases sa buong mundo.

Batay sa datos ng DOH mula noong Enero, nasa 106,630 na ang bilang ng mga nagkasakit ng dengue sa buong pilipinas.

Habang nasa 456 naman ang bilang ng mga nasawi dahil sa naturang sakit.

Sa ngayon nasa code blue alert na raw ang mga ospital at health centers sa bansa para sa tugunan ang mga kaso ng dengue.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *