Dengue cases
Health Regional

Dengue cases sa Pangasinan, bumaba na sa 31%

BUMABA na ang bilang ng dengue cases sa Lalawigan ng Pangasinan.

Batay sa record ng Provincial Health Office ng probinsya, umaabot lang sa 1,547 dengue cases ang kanilang naitala mula Enero hanggang Hulyo 8 ng 2019.

Mababa ito ng 31% sa 2,250 cases na naitala sa kaparehong peryod noong nakaraang taon.

Inihayag naman ni Provincial Health Officer Dr. Anna Teresa de Guzman, na bumaba na rin ang casualties due to disease mula sa walo hanggang sa dalawa na lamang ngayong taon.

Patuloy naman ang ginagawang monitoring ng provincial government ng Pangasinan upang maiwasan na ang outbreak ng dengue sa lalawigan.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *