Dengue cases sa bansa
Health

Dengue cases sa bansa umabot na sa 250,000 –DOH

NAKAPANGINGILABOT na umano ang antas ng dengue cases sa bansa matapos umabot na ng halos 250, 000 katao ang apektado nito at 1,000 na ang mga namatay.

Ayon kay Health Undersecretary Rolando Enrique Domingo, mas mainam umanong aksyunan na ito ng publiko.

Inabisuhan na ng Department of Health ang bawat lugar na magsagawa ng insecticide fogging lalong-lalo na ang mga syudad at barangay na may mataas na antas ng dengue cases.

Pinapaalalahanan din ni Domingo na ang pinakamabisang paraan para ma control ang paglaganap nito ay ang masinsinang paglilinis sa mga komunidad.

Batay sa datos ng DOH, mas mataas ang kabuuang eight-month dengue cases ngayong taon kumpara nuong 2012 na kung saan, full-year cases ay aabot lang ng 113, 000 hanggang 220, 000.

SMNI NEWS

 

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *