demokrasya
National

Demokrasya, posibleng humina sa Federal government – Davide

Posibleng humina ang demokrasya ng bansa sa ilang probisyon ng draft constitution para sa Federal government.

Ito ay ayon kay dating Chief Justice Hilario Davide.

Ang dahilan ay kailangan ng malawakang restructuring ng buong pamahalaan.

Magreresulta rin ito sa hindi pagkapantay-pantay sa bansa.

Isa rin sa kinuwestyon ni Davide sa panukalang Federal Constitution ay ang pag-oobliga sa matataas na opisyal ng gobyerno na magkaroon ng college diploma.

Mag-oobliga rin ito sa transitory president at vice president na tumakbo sa ilalim ng parehong ticket.

Dagdag ng dating mahistrado, posibleng magdulot ng komplikasyon sa hudikatura ang pagkakaroon ng apat na Federal Courts.

Magiging kapalit ito ng Supreme Court at hindi rin ito makatutulong sa pagresolba ng mga nakabinbing kaso.

SMNI News

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *