pinangalanan
International

Democrats, pinangalanan na ang mga karagdagang testigo kaugnay sa nagpapatuloy na Trump impeachment

PINANGALANAN na ng congressional Democrats noong lunes ang constitutional scholars na tetestigo para sa gaganaping impeachment inquiry laban kay U.S. Pres. Donald Trump.

Ipapatawag ng Democrats ang Harvard Law professor na si Noah Feldman, ang Stanford Law Professor na si Pamela Karlan, at isang Law Professor mula sa University of North Carolina na si Michael Gerhardt para tumestigo sa gaganaping impeachment hearing ngayong miyerkules.

Ipapatawag naman ng Republicans bilang kanilang testigo ang law professor mula sa George Washington University na si Jonathan Turley kung saan layunin ng nasabing inquiry na ilahad ang constitutional grounds ng impeachment laban sa US. Pres.

Dinepensahan naman ng House  Republicans ang impeachment inquiry laban kay Trump at inakusahan ang US House Judiciary ng kakulangan ng due process at fundamental fairness.

Nauna nang sinabi ni Trump na hindi ito dadalo sa naturang hearing na layuning imbestigahan ang umano’y balak na pagpressure ng US Pres. Sa Ukraine upang magsagawa ito ng imbestigasyon laban sa kanyang makakatunggali sa 2020 US Presidential elections na si dating US Vice Pres. Joe Biden at anak nitong si Hunter na may kaugnayan sa isang Ukrainian Energy Company.

 

SMNI NEWS 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *