first public hearing
International

Democrats, inanunsyo ang first public hearing ng impeachment laban kay US Pres. Trump

KINUMPIRMA ng Congressional Democrats kamakailan na tuluyan nang isasagawa ang unang public hearing ng impeachment case laban kay US Pres. Donald Trump sa susunod na linggo.

Tatlong State Department Officials ang nakahanda nang tumestigo laban kay Trump sa umano’y pamumwersa nito sa Ukraine na mag-anunsyo ng public investigation laban kay dating US Vice Pres Joe Biden na isa sa pinakamahigpit na makakalaban nito sa 2020 US Presidential elections.

Nauna nang sinabi ni House Intelligence Committee Chairman Adam Schiff na isang impeachemnt case ang inihahanda laban sa Pangulo dahil umano sa paninirang-puri at corruption claims nito laban kay Joe Biden at sa anak nitong  si Hunter na dating nagtatrabaho sa isang Ukrainian Gas Company.

Patuloy naman na itinatanggi ni Trump ang alegasyon ng abuse of power habang nauna nang hinamon ng US Pres. na tuluyan nang magpakilala sa publiko ang mga whistleblowers na nagbabato ng naturang mga paratang laban sa kanya.

 

SMNI NEWS

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *