iginiit
International

Democrats, iginiit ang nag-uumapaw na ebidensya laban kay US Pres. Donald Trump sa impeachment report

IGINIIT nang Democrats ang umano’y “overwhelming evidence of misconduct” laban kay US Pres. Donald Trump base sa kanilang inilabas na impeachment report noong martes.

Sa inilabas na report ng House Intelligence Committee ay inakusahan nito si trump na ipinapahamak ang national security ng Amerika sa pagtatangka nitong i-pressure ang Ukraine para

Imbestigahan ang kanyang mahigpit na makakalaban sa 2020 US Presidential elections.

Nakasaad din sa 300 pahinang report ng komite na kinondisyon umano ni trump ang paglalaan ng US$400 million ng US military aid kapalit ng imbestigasyon ng Ukraine laban kay dating US Vice Pres. Joe Biden.

Naunan nang dinepensahan ng House Republicans ang mga akusasyon laban sa US Pres. na aniya one sided at walang katotohanan habang inakusahan ni Trump ang democrats na naglalaro ng political game.

 

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *