Demand reduction strategy, napakahalaga upang wakasan ang problema ng iligal na droga sa bansa —Sotto

Demand reduction strategy, napakahalaga upang wakasan ang problema ng iligal na droga sa bansa —Sotto

INIHAYAG ni Senate President Vicente “Tito” Sotto III na kailangan ding palakasin ang demand reduction strategy upang matapos na ang suliranin sa iligal na droga sa bansa.

Ani Senator Sotto, ginagawa na ngayon ng present administration ang supply reduction strategy ngunit kailangan din ng iba pang approach upang hindi na tangkilikin ng mga tao ang iligal na droga.

“The day we stop buying is the day they stop selling. So, kailangan palakasin ko ‘yung prevention program at rehabilitation program para ‘yung mga bagong 13 years old ‘di na makaka-isip sumubok,” ani Sotto.

Aniya, mahalaga na ituro na sa mga grade 5-7 ang Drug Abuse Resistance Education Program upang pagdating nila sa high-school, ‘di na nila ito susubukan dahil alam nila na masisira ang kanilang buhay.

Bukod pa rito, inihayag din ni Sotto na dapat palakasin din ang rehabilitation program para sa mga adik na sa droga upang maaari na silang maibalik sa kani-kanilang pamilya.

 

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *