Delta variant sa Pilipinas, umabot na sa 807

Delta variant sa Pilipinas, umabot na sa 807

UMABOT na sa 807 ang kabuuang kaso ng Delta variant sa Pilipinas matapos makapagtala ng 182 na panibagong kaso.

Ayon sa Department of Health (DOH), 112 ay local cases, 36 ang returning overseas Filipinos, at 34 ay inaalam pa.

Sa National Capital Region (NCR), nakapagtala ng 42 Delta cases, 36 na kaso naman sa Central Luzon, isa sa Cordillera Administrative Region, walo sa Calabarzon at anim sa MIMAROPA.

Habang apat sa Central Visayas, anim sa Northern Mindanao, tatlo sa Davao Region, tatlo sa CARAGA, dalawa sa Western Visayas, at isang kaso naman sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao.

Sa kabila nito, gumaling na ang 176 mula sa naitalang bagong kaso, apat dito ang namatay, isa ang kasalukuyang pang nagpapagaling at inalaam pa ang tunay na estado ng isang pasyente.

Pagpigil ng COVID-19 variants, malaking hamon

Samantala, malaking hamon para sa Pilipinas ang kung paano ma-contain ang mutation ng COVID-19 mula sa ibang bansa dahil global citizen ang mga Pilipino.

Ito ang naging pananaw ni Dr. Ted Herbosa, adviser ng National Task Force o NTF COVID-19 sa panayam ng SMNI news.

Aniya, wala pa kasi sa kanila ang pinagbawalan talaga na makauwi dito sa bansa.

Madali naman aniyang mapigilan ang Lambda variant kung ang nagpositibo nito ay mula sa returning overseas Filipino subalit nakakabahala umano kung nagmumula ito sa indibidwal na hindi naman lumabas sa bansa.

“Filipino citizen is a global citizen at wala pa tayong pinipigilang Pilipinong umuwi sa kanilang bayan. So, pag ‘yan nanggaling sa isang returning overseas Filipino, ang very important ay ma-prevent prevent ‘yan na makahawa ng iba. so sana itong nagpositive ng lambda (COVID variant), nakapag-comply doon sa quarantine procedure natin kung sya ay returning filipino. ngayon, kung nakita naman sa isang taong nandito na sa kumonidad na hindi nagbiyahe, ay nakakabahala ‘yan,” pahayag ni Herbosa.

Ayon kay Dr. Herbosa, epektibo pa naman ang pitong COVID-19 vaccines na kasalukuyang ginagamit ng mga bansa subalit medyo bumaba na ito dahil mas resistant ang COVID variants kumpara sa orihinal na uri ng COVID-19.

Mas mainam aniya na mag-ingat pa rin laban sa virus.

BASAHIN: 13 rehiyon sa bansa, nakapagtala na ng Delta variant cases

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *