Delta variant, pinaka nakahahawa sa lahat ng mga variant— eksperto

Delta variant, pinaka nakahahawa sa lahat ng mga variant— eksperto

KINUMPIRMA ni infectious diseases and vaccine expert Dr. Rontgene Solante sa Laging Handa public briefing na ang Delta variant ang pinaka nakahahawang variant sa iba pang variant of concern.

“60% higher than the Alpha variant and that means that if you have a 60% transmissibility, It can also increase the reproduction number,” pahayag ni Dr. Solante.

Ani Dr. Solante, ang carrier ng Delta variant ay maaaring makahahawa ng apat hanggang anim na tao sa isang interaksyon.

Sa kabila nito, nananatiling kumpyansa si Solante na hindi maaapektuhan ng Delta variant ang efficacy ng mga bakuna na ginagamit ng Pilipinas.

Sa ngayon, wala pang rekomendasyon ang mga eksperto kung kailangan na ba ng pangatlong booster shot para panlaban sa Delta variant.

Bilang ng kaso ng COVID-19 sa bansa nadagdagan pa ng 4,516

Nadagdagan din ang bilang ng kaso ng COVID-19 sa bansa.

Ito ay matapos maitala ang 4,516 na bagong kaso ng sakit, batay sa pinakahuling datos ng Department of Health (DOH).

Sa tala ng DOH, umakyat na sa higit 1,517,000 kumpirmadong kaso habang nasa 46,806 ang aktibong kaso.

Nagdagdagan din ng 5,240 ang nakarekober dahilan upang umakyat sa 1,444,253 ang gumaling mula sa naturang sakit.

Samantala, pumalo na sa 26,844 ang nasawi sa COVID-19 matapos madagdagan ng 58 kahapon.

 

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *