Dengvaxia case
National

Delaying tactics ang ginagawa ng mga respondent sa Dengvaxia case —PAO

INAKUSAHAN ni Public Attorney’s Office (PAO) Chief Persida Rueda-Acosta ang umano’y “delaying tactics” na ginagawa ng mga respondent sa Dengvaxia case na dinidinig ng Department of Justice (DOJ).

Ito ang pahayag ni Acosta sa pagpapatuloy ng preliminary investigation sa ikatlong batch ng Dengvaxia case, matapos bigong magsumite ng Rejoinder Affidavit ang mga respondent sa kaso.

Muli namang binigyan ng mga piskal ang mga respondent ng hanggang Agosto 25 para maihain ang mga naturang dokumento.

Ayon kay Acosta, dahil sa ginagawa ng mga respondent na pag-delay sa mga dokumento ay natatagalan ang pagdinig sa kaso.

Kabilang sa mga respondent ang mga dati at kasalukuyang opisyal ng Department of Health sa pangunguna nina dating Health Secretary Janette Garin at kasalukuyang Health Secretary Francisco Duque III, mga opisyal ng Sanofi Pasteur at Zuellig Pharma.

Nahaharap ang mga respondent sa patong-patong na kaso dahil sa pagkamatay ng ilang mga bata matapos maturukan ng umano’y Dengvaxia vaccine.

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *