National

Dela Rosa sinagot ang pagtawag sa kanya ng ‘arogante’ ni Lacson


Sinagot ni Philippine National Police (PNP) Chief Director General Ronald Dela Rosa ang pagtawag sa kanya ni Senador Panfilo Lacson na ‘arogante.’
    Ayon kay Dela Rosa, iniidolo at nirerespeto niya si Lacson.
    Pero magkaiba aniya sila ng standard ng dating PNP chief, kung ang pinag-uusapan ay ang pagdepensa niya sa kanyang mga tauhan.
Nilinaw rin niya na hindi mismo ang pagkakaroon ng ‘tagong kulungan’ ang dinepensahan niya, kundi ang paratang na extortion at torture laban sa mga pulis.
    Sinabi pa ni Dela Rosa na mismong mga preso sa nasabing ‘secret jail’ ang nag-deny sa naturang akusasyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *