Defending NBA Champion na Los Angeles Lakers laglag na sa Playoffs

Defending NBA Champion na Los Angeles Lakers laglag na sa Playoffs

LAGLAG na sa Playoffs Defending NBA Champion na Los Angeles Lakers matapos matalo ng Phoenix Suns sa GAME 6 sa iskor na 113-100.

Nanguna sa Suns si Devin Booker na nakagawa ng 47 points, 11 rebounds para ma-selyuhan ang kanilang panalo sa unang round ng NBA Playoffs sa Western Conference.

Ginabayan naman ng beteranong si Chris Paul ang Suns sa pamamagitan ng 12 assists nito sa Game 6.

Makakatapat naman ng Suns sa second round ng Playoffs ang Denver Nuggets na nanalo rin ngayong araw laban naman sa Portland Trail Blazers na may 4-2 na serye.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *