pinataob
Sports

Defending champion Toronto Raptors, pinataob ng Houston Rockets sa nagpapatuloy na NBA Regular Season

PINATAOB ng Houston Rockets ang defending champion na Toronto Raptors sa kanilang naging laban ngayong araw sa nagpapatuloy na NBA Regular Season.

Nagtapos ang laban ng dalawang koponan sa iskor na 119-109, pabor sa Rockets.

Nanguna sa panalo ng koponan si Ben Mclemore na pumuntos ng 28 points habang nag-ambag din si James Harden ng 23 points.

Hindi naman sumapat ang combine 44 points nina Pascal Siakam at Fred Vanvleet para iangat ang Raptors sa kanilang laban.

Sa iba pang laro, nakabangon na ang Washington Wizards mula sa kanilang 3-game losing streak matapos nitong talunin ang Philadelphia 76ers.

Naging mainit ang palitan ng puntos ng dalawang koponan sa laro na nagtapos sa iskor na 119-113.

 

SMNI NEWS 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *