Decontamination, isinagawa sa kahabaan ng East Avenue laban sa pagkalat ng COVID-19c

Decontamination, isinagawa sa kahabaan ng East Avenue laban sa pagkalat ng COVID-19c

NILINIS ngayong araw ang kahabaan ng East Avenue bilang hakbang ng pamahalaan laban sa pagkalat ng COVID-19.

Nitong umaga nang magulat ang maraming motorista nang pagbawalan silang dumaan sa nasabing kalsada mula sa Quezon City Circle.

Dahilan ito sa pagsagawa ng decontamination ng Quezon City government sa kahabaan ng lugar.

Ayon sa Quezon City Disaster Risk Reduction and Management Council, lilinisin mula sa anomang banta ng virus ang East Ave bago limitahan ang access nito sa publiko.

Nasa East Ave ang ilan sa mga malalaking ospital sa NCR tulad ng Philippine Heart Center, National Kidney and Transplant Institute at East Avenue Medical Center.

Dahil sa umiiral na lockdown, titiyakin ng Quezon City government na ang mga pumapasok lamang sa kahabaan ng East Ave ay yung mga essentials lamang at walang carrier ng virus.

MJ MONDEJAR

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *