Death toll ng India dahil sa COVID-19, pumalo na sa mahigit 100,000

Death toll ng India dahil sa COVID-19, pumalo na sa mahigit 100,000

PUMALO na sa mahigit 100,000 ang death toll sa India dahil sa COVID-19 pangatlo sa buong na pinangungunahan ng Estados Unidos at Brazil.

Batay sa tala ng John Hopkins nasa kabuuang 102,714 na ang patay sa India at lagpas anim na milyon naman ang mga nagpositibo sa sakit pangalawa sa US.

Itinuturing din ang India na may highest rate ng daily infection sa buong mundo.

Samantala, nagpatupad naman ang Indian Prime Minister na si Narenda Modi ng mas mahigpit na lockdown sa lugar.

Kaso ng COVID-19 sa Pilipinas

Nakapagtala naman ng mahigit 3,000 bagong kaso ng COVID-19 ang Pilipinas noong Linggo.

Ito ang iniulat ng Department of Health na nagdala sa kabuuang bilang na mahigit 322,000 kumpirmadong kaso ng coronavirus.

Naitala naman ang 18,065 na bagong nakarekober mula sa impeksyon, na nagdala naman sa kabuuang bilang ng recoveries sa 273,079.

Kasalukuyan namang nasa 43,642 ang kabuuang bilang ng aktibong kaso ng COVID-19 sa buong bansa, habang nasa 5,776 na ang naitalang nasawi dahil sa impeksyon.

Samantala, ayon sa tala ng World Health Organization, mahigit sa 34.7 milyong katao na sa buong mundo ang nagpositibo sa coronavirus kung saan nasa mahigit isang milyon na ang naitalang nasawi.

Nangunguna pa rin ang Estados Unidos sa may pinakamaraming kaso na umabot na sa mahigit 7.3 milyon na sinundan ng bansang India, Brazil, Russia at Columbia.

Kaso ng COVID-19 sa OFW sa ibang bansa

Nanatili naman sa 10,549 ang kabuuang bilang ng mga Pilipinong nasa ibang bansa na nahawaan ng COVID-19 ayon sa ulat ng Department of Foreign Affairs.

Gayunman, sa kasalukuyan, nasa 3,006 pa ang patuloy na ginagamot sa sakit habang nasa 6,750 naman ang gumaling na habang 793 na ang nasawi.

Wala namang naitalang gumaling o nasawi noong weekend.

Ayon sa DFA, nasa 363 ang bilang ng mga Pilipinong kasalukuyang ginagamot sa Asia pacific; 166 sa Europe; 2,311 sa Middle East at Africa; at 166 in the America.

SMNI NEWS

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *