Deadline para sa online business registration, hanggang bukas na lang —BIR

Deadline para sa online business registration, hanggang bukas na lang —BIR

MULING pinaalala ng Bureau of Internal Revenue (BIR) na hanggang bukas nalang, September 1, ang deadline sa online business registration.

Ayon sa BIR, hindi na papalawigin ang deadline para dito at papatawan na ng penalty ang bigong makapag-register sa itinakdang panahon.

Iniurong naman ito sa ika-1 ng Septyembre ang deadline na Hulyo 31 dahil sa National Heroes Day.

Nilinaw naman ng ahensiya na hindi kasama sa registration ang mga online business na may annual gross income na P250,000 pababa.

Kaugnay nito, una namang sinang-ayunan ng Department of Trade and Industry ang pagpaparehistro sa maliit man o malaki na negosyo dahil ito ang tamang proseso sa pagne-negosyo sa Pilipinas.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *