African Swine Fever preventive measures
Health

DBM, naglabas ng pondo para sa African Swine Fever preventive measures

NAGLABAS na ang Department of Budget and Management (DBM) ng P82.5 milyong pondo para magamit sa African Swine Fever preventive measures.

Sa statement, sinabi ng DBM na ang nasabing halaga ay ibinigay sa Department of Agriculture-Bureau Of Animal Industry (DA-BAI) noong September 10 matapos itong aprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa nasabing halaga, P31.8 milyon aniya ang gagamitin para sa maintenance ng security for detection of meat and meat products sa mga international airport.

Gagamitin naman ang P27.7 milyon para sa testing ng samples ng meat at meat products at ang P17.6 milyon ay gagamitin para sa surveillance and monitoring.

Habang ang natitirang P5.4 milyon ay ilalaan para sa awareness campaign and capacity building.

Noong Lunes nang kumpirmahin ng DA na ASF ang dahilan ng pagkamatay ng ilang baboy sa ilang lugar sa Rizal at Bulacan.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *