NAGLABAS
National

DBM: 600M dagdag pondo para sa DSWD para sa Bagyong Rosita

NAGLABAS ang Department of Budget and Management ng P662.5M para sa Department of Social Welfare and Development.

Bilang dagdag pondo sa Quick Response Fund (QRF).

Ang dagdag pondo ay upang paghandaan ang magiging epekto ng pananalasa Typhoon Rosita.

Ito ay sa mga lugar ng Northern Luzon at maging ang iba pang paparating na bagyo.

Ayon kay Budget Sec. Ben Diokno, hiniling ng DSWD ang dagdag pondo para pambili ng family food packs.

Ito din ang gagamiting pondo para sa pagsasagawa ng Disaster Risk Reduction Management Programs.

Gaya ng pagbili ng relief supplies, pagpapatupad ng cash for work programs at shelter assistance.

Ang QRF ang siyang nagsisilbing stand by fund na ginagamit para sa relief and rehabilitation sa tuwing may bagyong mananalasa sa bansa.

Ito na ang ikatlong pagkakataon sa taong 2018 na nag-replenish and DBM para sa QRF ng DSWD.

Sinabi ng DBM na isang standard practice ang pagdaragdag ng pondo na inilalaan para sa paparating na sakuna at kalamidad.

Ulat ni Hannah Jane Sancho

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *