Davao del Sur, nagbigay ng higit P3M sa Kiblawan Multi-purpose Cooperative

Davao del Sur, nagbigay ng higit P3M sa Kiblawan Multi-purpose Cooperative

HIGIT P3 milyon ang ibinigay sa Kiblawan Multi-purpose Cooperative mula sa pamahalaang panlalawigan ng Davao del Sur, Department of Agriculture at World Bank.

Ginanap ang turn over sa provincial capitol ground na pinangunahan ni Governor Marc Cagas.

Ang nasabing halaga ay gagamitin para sa pagtatayo ng Cacao Fermentation Plant na parte ng Philippine Rural Development Project (PRDP) program.

Pinondohan ito ng probinsiya ng Davao del Sur at Department of Agriculture  ng 20% na katumbas sa P604, 630 at ang World Bank na 60% katumbas naman sa P1, 813, 890.

Pinagsikapang mabuo ang naturang proyekto ng iba’t ibang ahensya ng gobyerno.

Sa kabilang banda, nagbigay rin ang pamahalaang panlalawigan ng 3 rescue vehicles sa 3 barangay sa probinsiya na nagkakahalaga ng higit sa P1 milyon mula sa 5% na pondo ng Provincial Disaster Risk Reduction Management fund.

(BASAHIN: Treasure hunting, ipagbabawal sa Davao Occidental)

SMNI NEWS