Davao City, muling isinailalim sa general community quarantine

Davao City, muling isinailalim sa general community quarantine

MULING isinailalim ni Pangulong Rodrigo Duterte sa General Community Quarantine o GCQ ang Davao City.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, mananatili sa General Community Quarantin ang Davao hanggang sa Nobyembre 30 dahil sa pagtaas ng COVID-19 cases doon.

Sinabi ni Roque na magtatayo din ng isang One Hospital Command Center sa naturang lungsod.

Inatasan din ang mga pribadong ospital sa lungsod na itaas ang kanilang COVID-19 bed capacity sa 20 percent hanggang 30 percent.

Una namang inirekomenda ni National Task Force against COVID-19 Chief Implementer Carlito Galvez Jr. na muling isailalim sa GCQ ang Davao City bunsod ng pagtaas ng bilang ng mga kaso ng COVID-19.

Sa ngayon, mayroon ang lungsod ng 5,541 COVID-19 cases kung saan nasa 2,000 ang active cases.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *