Davao City Mayor Sara Duterte, nanguna sa presidential at vice presidential survey ng OCTA Research

Davao City Mayor Sara Duterte, nanguna sa presidential at vice presidential survey ng OCTA Research

NANGUNA si Davao City Mayor Sara Duterte sa presidential at vice presidential survey na isinagawa ng OCTA Research Team.

Batay sa survey, 22% ng mga respondents ang nais maging presidente si Mayor Duterte.

Sumunod naman dito si Senador Grace Poe na may 13%, Senador Manny Pacquiao at dating senador Bongbong Marcos na kapwa nakakuha ng 12%.

Pasok din sa survey si Manila Mayor Isko Moreno na may 11% Senador Bong Go na may 6% at at vice President Leni Robredo na may 5%.

Nanguna rin sa vice presidential survey si Mayor Sara na may 14%, ikalawa si Mayor Isko na may 11% at Pacquiao na may 10%.

Isinagawa ang survey noong Enero 26 hanggang Pebrero 1, 2021 sa 1,200 respondents na may edad 18 pataas.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *