Davao City, binuksan ang ikatlong satellite ng Lingap Center

Davao City, binuksan ang ikatlong satellite ng Lingap Center

SA kabila ng nagpapatuloy na pandemya, binuksan ng Davao City ang ikatlong satellite ng Lingap Center.

Patuloy ang pagseserbisyo ng pamahalaang lungsod ng Davao sa mga mamamayan nito, lalo na sa social services kaya’t nitong Lunes binuksan ang ikatlong satellite ng Lingap Center sa Toril District upang mapagsilbihan ang residente at kalapit na lugar dito.

Ang naturang hakbang ay layon ding ma-decongest ang main ng Lingap Center sa Southern Philippines Medical Center (SPMC) para sa mga indibidwal na mula sa iba’t ibang lugar.

Ayon kay Davao City Mayor Sara Duterte na ang Lingap Center sa Toril ang ikatlong tanggapan na idadagdag sa mga Lingap Center na nagbukas sa Marilog at Bunawan.

Aniya, ang tulong na makukuha sa SPMC ay siya ring tulong na makukuha sa mga karagdagang Lingap Center, pareho ang sistema, listahan ng requirements ibig sabihin hindi na kinakailangang magpunta sa main office ang mga Dabawenyo.

Ayon naman kay Lingap focal person Vincent Plarisan may mga kliyente nang nakapag avail ng serbisyo sa Toril satellite Lingap Center.

Dagdag pa nito, malaking tulong para sa mga residente ng Toril ang pagbubukas ng Lingap sa lugar.

Sinabi rin nito na malaking area ang Toril at nangangahulugan na madaming Dabawenyo na hindi na kailangang magpunta sa SPMC ang matutulungan.

Inaasahan naman na nasa 50-70 clients ang maseserbisyohan kada araw pero sa kabila nito ay pinapaalalahanan pa rin ang bawat isa na sumunod sa mga health measures.

Dapat din na siguraduhing tama at kumpleto ang mga dalang dokumento bago magtungo sa nasabing site.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *