Dating rebeldeng IP na naninira kay Pastor Quiboloy, nais humingi ng paumanhin

Dating rebeldeng IP na naninira kay Pastor Quiboloy, nais humingi ng paumanhin

NAIS humingi ng paumanhin ang dating rebeldeng IP na naninira kay Pastor Apollo C. Quiboloy.

Isiniwalat ng isang tribal leader sa programang ‘Laban kasama ang Bayan’ sa SMNI News kung papaano sila nalinlang para siraan si Pastor Apollo C. Quiboloy.

CPP-NPA-NDF, ang may pakana sa paninira ayon sa dating rebeldeng IP.

‘’Land grabber…Mamamatay tao…’’

Ito ang mga pinupukol na akusasyon noon kay Pastor Apollo C. Quiboloy ang Executive Pastor ng The Kingdom of Jesus Christ.

Kaugnayan ito sa nangyaring pagpaslang sa tribal leader na si Datu Dominador Diarog.

Abril 29 taong 2008 nang pinaulanan ng bala ang bahay ni Diarog sa sitio Kahusayan, Barangay Manuel Guianga, Calinan, Davao City.

Napatay sa insidente si Datu Diarog habang nasugatan naman ang asawa nito at apat na anak na sa panahon na iyon ay pawang mga menor de edad.

Agad ikinabit ang pangalan ni Pastor Apollo matapos na akusahan ito ng kamag-anak, ang umano’y mga tauhan nito na matagal nang nananakot kay Diarog para ibenta ang kaniyang 2 ektaryang lupa na malapit sa Prayer Mountain ni Pastor Apollo sa Brgy. Tamayong, Calinan, Davao City.

Mariin itong pinasinungalingan noon ni Pastor Apollo at sinabing paninira lamang at propaganda lang para malihis ang tunay na kwento sa nangyaring insidente.

“We strongly deny these as totally false and baseless, if not ridiculous. We trust only the police and the military authorities in investigating the incident and coming up with their corresponding findings on the same. We believe all other falsehoods dragging the name of the “Kingdom” as we suspect these are all designed to confuse if not to distort the true picture about the incident or mislead the authorities as to the real perpetrators involved,”ayon sa butihing Pastor.

Maging si Pangulong Rodrigo Duterte na dating alkalde ng Davao City ng mga panahong iyon ay hindi naniniwalang magagawa ang naturang krimen ni Pastor Apollo.

Kalaunan ay nagbigay ng pahayag ang Task Force Davao, na nasa ilalim ng 7rd infantry battalion, at sinabing ang rebeldeng teroristang New People’s Army (NPA) ang pumatay kay Diarog na kanila namang pinasinungalingan.

Umabot din sa punto na pinaratangan pa ng mga makakaliwa ang Task Force Davao na silang gumawa ng krimen kay Datu Diarog.

 

Sinakyan pang lalo ito ng propagandista na konektado sa CPP-NPA-NDF at patuloy na siniraan ang butihing Pastor.

Maging ang ilang local media ay kinagat ang propaganda ng mga kaliwa at panay rin ang akusasyon at batikos kay Pastor Apollo sa mga panahong iyon.

Sa panayam ng SMNI News, sa programang ‘Laban kasama ang Bayan’, inamin ng anak ng pinaslang na tribal leader na si Datu Diarog na sinulsulan talaga sila ng mga makakaliwa, para lumaki ang isyu masiraan ang butihing Pastor at magkaroon ng kontrol ang CPP-NPA-NDF sa lugar sa naturang IP Community sa Davao City.

Maging si Pangulong Duterte, ay nagsabi na rin sa kanya na hindi totoo ang mga ibinibintang kay Pastor Apollo.

Inihayag naman ni Jeffrey “ka eric” Celiz, dating kadre ng komunistang terorista, na ang ginawa ng CPP-NPA-NDF sa paglilinlang sa mga Indigenous People ay matagal nang modus nila para makuha ang sariling interest.

Inihayag din ni Datu Diolito na sa sobrang paniwala nila sa mga sinasabi ng mga komunista at hindi na sila naniniwala sa militar, sa kapulisan at maging sa pamahalaan sa kabuuan.

Pag-amin pa ni Datu Diolito, napagtanto niya sa huli na ang gobyerno rin pala ang makakabigay ng solusyon sa problemang kanilang pinagdaanan dati at hindi ang mga komunistang terorista.

Sa huli ay nagpasalamat naman si Datu Diolito kay Pastor Apollo at ninais na makausap ito ng personal kasama na ang komunidad nila para maipaabot ang kanilang taos-pusong paghingi ng paumanhin sa hindi magandang nagawa noon.

‘’Sa patuloy po na pagtulong ni Pastor Quiboloy sa mga kasama kung Tribu sa iba’t-ibang lugar dito sa Mindanao. Ako po ay nagpapasalamat sa kanya at saka mabuhay po kayo at nais po namin at minimithi na makausap ka at maparating naming personal sa iyo ang tungkol po sa pag hingi ng sorry kasi nalinlang kami at biktima sa paniniwalang masama at walang patutunguhan na nakasisira sa aming kultura. Mabuhay po kayo Pastor at patuloy po kayo sa programa niyo sa pagtulong sa sambayanang Pilipino,’’ayon kay Datu Diarog.

Si Datu Diolito Diarog na dating rebeldeng IP ay kaisa na ng pamahalaan sa paglaban sa mga kasinungalingan at kasamaan na dala ng CPP-NPA-NDF.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *