Dating Pang. Noynoy Aquino
National

Dating Pang. Noynoy Aquino, hindi dadalo sa SONA ni Pang. Duterte

HINDI na naman dadalo si dating Pang. Noynoy Aquino sa State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Hulyo 22.

Paliwanag ni dating Pinoy, panunoorin na lamang niya ang ika-apat na SONA ni Duterte sa telebisyon.

Ito aniya ay upang makapag-concentrate siya sa talumpati ng pangulo kaysa sa mga komento ng mga taong kaniyang makakatabi.

Si Aquino ay imbitado sa ikaapat na SONA ni PRRD alinsunod sa tradisyon at protocol na nag-aatas na paanyayahan ang mga dating pangulo.

Matatandaang simula nang bumaba sa pwesto noong 2016 kailanman ay hindi dumalo si Aquino sa mga SONA ni Duterte.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *