Ombudsman Conchita Carpio-Morales
National

Dating Ombudsman Conchita Carpio-Morales, apat na oras na nadetained sa Hong Kong Immigration

ALAS otso sinkwenta y siete ng gabi kagabi nang lumapag ang sinasakyang eroplano ni Ombudsman Conchita Carpio-Morales pabalik ng Maynila.

Ito’y matapos harangin si Morales ng immigration police ng Hong Kong International Airport sa hindi malamang dahilan. Pero giit ng paliparan, immigration reason lang daw.

“So I kept asking, ano bang reason bakit niyo ako dini-detain? Bakit ayaw ninyo akong papasukin? Ang sabi nila immigration reason daw. I want to know so that I can defend myself, papayag ako, sabihin lang ninyo, ayaw,” pahayag ng dating Ombudsman.

Sa gitna ng pagharang kay Morales, ipinagtaka din nito ang pilit na pagpaparima sa kaniya na nakasulat sa Filipino na nagsasabing siya ay kailangan nang ikulong.

“May pinapirmahan sila sakin na nakasulat ng Tagalog, ang lalim, may nakasulat na bilanggo or whatever, so I said can I have an English version? So Im now pala under detention?”

Agad na hiniling ni Morales ang kopya ng dokumento mula sa gobyerno ng China kaugnay sa dahilan ng kaniyang dentention hanggang sa hindi pa nagtagal, dumating na ang sinasabing commander ng airport na kalauna’y nagbigay sa kaniya ng konsiderasyon na makapasok na ng bansa pero pinili nalang ni Morales na huwag nang tumuloy dahil sa hindi magandang karanasang sinapit niya kasama ng kaniyang pamilya.

“Nu’ng gusto na nilang ibahin ang pagka-detain ko, may pumunta na nagsabing, “I am the commander of the airport. I’m sorry maam, give us a minute, we are going to give you a reconsideration”,” pagkuwento ni Morales.

Samantala pinawi naman ni Carpio-Morales ang ilang agam-agam na na-harrass ito dahil naging cordial naman aniya ang trato sa kaniya.

Sa katunayan, inalok pa aniya siya ng pagkain ng immigration officers, pero tinanggihan niya.

Sa huli, frustrated si Morales sa kaniyang karanasan dahil sa hindi rin nito natupad ang kaniyang pangako sa kaniyang mga apo na maipasyal ito sa Hong Kong Disneyland dahil nga sa nangyari.

“ More of frustration because precisely we went to Hong Kong because I promised my grandchildren,” aniya pa.

POL MONTIBON

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *