Commissioner Ronald Cardema
National

Dating NYC Commissioner Ronald Cardema, desperadong makaupo sa Kongreso – Guanzon

TINAWAG ni Commision on Elections (Comelec) Commissioner Rowena Guanzon si dating National Youth Commissioner Ronald Cardema na may deperensiya sa ulo.

Sa panayam ng SMNI News, iginiit ni Guanzon na nagkagulo-gulo na ang mga taktikang ginagawa ni Cardema kaya naghuhuramentado na ito.

Magulo umano ang isinumite ni Cardema na bagong listahan ng mga nominado bilang representante ng Duterte Youth matapos ang nangyaring diskwalipikason.

Sigurado naman si Guanzon na mamumroblema na si Cardema ngayon dahil walang abogadong tatanggap sa kaso niya laban sa Comelec official.

“Nag-file siya uli ng listahan, another list. Siya pa rin ang number 1 sa listahan, number 2 na lang yung asawa niya. Eh ano ba talaga? Aapela ka ba talaga o nag-file ka ng bagong list? May deperensiya talaga ang ulo niyan eh. Mali mali na yung legal strategy niya, nagkagulo-gulo na kaya ngayon iiyak-iyak na siya huramentado na siya. Eh maghuramentado ka pala diyan, bakit ako bini-blame mo? Yun pala ang drama niya, i-media media niya ako, extortion… kasi hindi naman kakagat ang presidente pag hindi corruption,” paliwanag ni Guanzon.

Giit pa ni Guanzon, kahit na magpakamatay si Cardema, hinding hindi ito maka-uupo bilang kinatawan ng Duterte Youth Party-List dahil disqualified ito at maraming nilabag na batas.

“Di siya talaga makakaupo kasi disqualified siya. Eh gusto lang nila pilitin kami, baligtarin ang batas. Hindi naman pwede iyan. Ano ba siya? Anak ba siya ng hari? Ano ba ang laws dito sa Pilipinas? Mambabatas niyo ganyan ang ugali at paniwala? Basta na lang pilitin niya yung batas kahit na overage siya? Gusto pa niya maging mambabatas siya? Umiiyak-iyak si Cardema dahil naaalala niya yung mga milyon-milyon niya sa pork barrel fund na hindi niya nakukuha,” dagdag pa ni Guanzon.

Pinabulaanan ang paratang ni Cardema

Tila inaanim na ni dating National Youth Commissioner Chairman Ronald Cardema na tinangka niyang suhulan si Comelec Commissioner Rowena Guanzon.

Ito ang naging pahayag ni Guanzon sa panayam ng SMNI News kaugnay sa mga paratang ni Cardema na umano’y paghingi ni Guanzon ng P2-M kapalit ng pagpapatibay ng Duterte Youth Party-List.

Ani Guanzon, taktika lang ito ni Cardema para ilayo ang isyu na disqualified na siya para irepresenta ang sektor ng mga kabataan kung saan 25 hanggang 30 taong gulang lang ang pwede.

Biro pa ni Guanzon, hindi na matatawag na “youth” si Cardema kundi “dugyot” na.

“Huwag niya akong tatakutin ng impeachment ha. ‘Pag sinabi niya sa House na nag-agree siya na magbigay siya ng 2 million para sa boto ko, he has committed a crime. Siya itong gumawa ng krimen hindi ako ‘di ba? Sabi niya may kumausap daw sa kanya eh, nag-demand daw ng 2 million ako. Eh di inaamin niya na that he attempted to bribe me. Kaya ito, ulitin lang natin; nilalayo niya tayo sa usapan na dugyot na siya eh. He’s already overage,” pahayag ni Guanzon.

Magugunitang kinansela nitong buwan ng Comelec first division ang nominasyon ni Cardema bilang first nominee ng Duterte Youth Party-List.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *