Dating NFL WR na si Vincent Jackson, natagpuan patay sa isang hotel

Dating NFL WR na si Vincent Jackson, natagpuan patay sa isang hotel

NATAGPUANG wala nang buhay ang dating NFL wide receiver na si Vincent Jackson sa kanyang hotel room sa Florida, USA.

Ayon sa awtoridad, nananatili na si Jackson sa Homewood Suites sa Tampa Suburb of Brandon simula January 11 pa lamang.

Inireport ng pamilya ni Jackson na nawawala ito noong February 10 at matapos ang dalawang araw, natagpuan siya sa isang hotel at matapos na maka-usap ng awtoridad at ma-assess ang katayuan nito, kinansela ng mga ito ang missing persons report kay Jackson.

Matapos ito ay natagpuan ng isang house keeper ang bangkay ni Jackson sa nasabing hotel.

Ayon naman sa otoridad ay walang senyales ng trauma si Jackson at aalamin pa ng Hillsborough County Medical Examiner Office ang pagkamatay ng manlalaro.

Si Jackson ay naglaro ng 12 seasons kasama ang San Diego Chargers simula taong 2005-2011 at lumipat ito sa Tampa Bay Buccaneers noong 2012-2016.

Ang three-time Pro Bowl Selection ay nakakuha ng 540 passes para sa 9,080 yards at 57 touchdowns sa 155 na laro nito.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *