Dapitan City
Regional

Dating mayor sa Dapitan City sinampahan ng kaso sa Sandiganbayan

SINAMPAHAN ng kaso sa Sandiganbayan si dating Mayor Dominador Jalosjos Jr. ng Dapitan City.

Ito ay dahil sa paggamit umano ng shotgun na pagmamay-ari ng pamahalaang lokal para sa pansarili lamang.

Nahaharap ang dating mayor sa one count Malversation of Public Property.

Hawak  ni Jalosjos ang baril simula pa noong 2004 pero nabigo siyang  maibalik ito kahit natapos na ang kanyang termino 2013.

Nasa P60,000 naman ang itinakdang bail bond ng Anti-Graft Court para sa pansamantalang kalayaan nito.

Kinasuhan si Jalosjos dahil sa iligal na paggamit ng government property na automatic shotgun para sa pansariling kapakanan nito.

 SMNINEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *