Dating kadre ng CPP-NPA na si Ka Eric, hindi pabor nai-defund ang NTF-ELCAC

HINDI pabor si Ka Eric Celis, dating kadre ng Communist Party of the Philippines- New People’s Army (CPP-NPA) na tanggalan ng pondo ang National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC).

 “Nakakalungkot at nakakabahala because hindi po naiintindihan siguro ng masyado ng ating mga senador na ito na nananawagan na tanggalin ang pondo ng NTF-ELCAC,” pahayag ni Ka Eric.

Ayon kay Ka Eric, ang malaking pondo ng NTF-ELCAC ay wala sa mga administratibong opisina nito kundi naroon sa iba’t ibang ahensya ng gobyerno.

 “DSWD, TESDA, DAR, DA, CHED, DepEd, PNP, AFP,” banggit ni Ka Eric sa mga nasabing ahensya.

Bukod pa rito, ani Ka Eric, ang NTF-ELCAC ay isa lamang task force at hindi ito regular office kaya hindi ito nagkakaroon ng regular funds.

P19-B pondo ng NTF-ELCAC, nakalaan sa mga barangay na nilisan ng CPP-NPA

Inihayag ni Ka Eric na hindi pork barrel ng mga heneral ang P19 billion na pondo ng NTF-ELCAC.

 “’Yung 19-B po ay siguro ito ang pinag-iinitan nila kasi ang nakukuha ko sa balita, tinatawag nila ito na pork barrel ng Presidente,” ayon kay Ka Eric.

Ani Ka Eric, ang  nasabing  pondo ay nakalaan para sa barangay development program.

Ang programang ito ay may layuning suportahan ang mga barangay na nilisan na ng mga rebeldeng grupo.

Ito ay upang matulungan makaahon ang mga barangay na una nang pinamugaran ng rebeldeng grupo.

Bukod pa rito, ang pondo ay hindi dadaan sa kamay ng mga opisyal ng NTF-ELCAC kung hindi sa mga ahensya ng gobyerno na siyang magpapatupad ng programa para sa mga barangay.

 “So, papaano nila ‘yan sasabihin na hindi ito kailangan, ibig-sabihin ba, ibabalik natin muli na ang NPA ang maghari-harian at magpasabog ng lagim sa mga lugar na ito,” ayon pa kay Ka Eric.

(BASAHIN: Malakanyang, umalma sa plano ng ilang senador na bawian ng pondo ang NTF-ELCAC)

SMNI NEWS