Governor Grace Padaca
Regional

Dating Isabela Governor Grace Padaca, hinatulan na makulong dahil sa katiwalian

HINATULANG guilty ng Sandiganbayan Third Division si dating Isabela Governor Grace Padaca dahil sa katiwalian.

Sa hatol ng korte, guilty si Padaca sa kasong malversation of public funds at graft kaugnay sa pagbigay nito sa P25-M contract sa isang private entity para sa rice program ng Isabela nang hindi sumunod sa panuntunan ng government procurement noong 2006.

Sinentensyahan si Padaca ng 12 taon hanggang 14 taong pagkakakulong para sa malversation at 6 taon hanggang 10 taong pagkakakulong sa kasong graft.

Inaprubahan naman ng korte ang pagbabayad ng doble sa existing na P70,000 bond ni Padaca para sa kanyang pansamantalang kalayaan habang inaapela nito ang desisyon.

Umaasa naman ang dating gobernador na mababaliktad pa ang desisyon ng korte kasabay ng paggiit na wala siyang ibinulsa na pera ng gobyerno.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *