Dating hollywood producer, dinapuan ng COVID-19 habang nakakulong

Dating hollywood producer, dinapuan ng COVID-19 habang nakakulong

POSITIBO sa Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) habang nakakulong ang award winning producer na si Harvey Weinstein.

Ito ang inanunsyo ng president ng New York State Correctional Officer(NYSC) na si Michael Powers at kasalukuyang nasa isolation room na ang former 68 year old film producer

Ayon sa NYSC, unang nakakulong sa Rikers Island Jail sa New York si Weinstein kung saan posibleng doon niya nakuha ang naturang virus.

Sa ngayon ay kasalukyang naka-quarantine na ito sa Wende Correctional Facility sa Buffalo Upstate sa New York.

Naka-quarantine na rin ang ilang mga personnel na nakasalamuha ng naturang procuder

Matatandaang hinatulan ng 23 taong pagkakakulong si Weinstein dahil napatunayang guilty ito sa kasong rape at sexual assault noong nakaraang taon.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *