Foreign Affairs Secretary
National

Dating Foreign Affairs Secretary Yasay, nakapaglagak na ng piyansa

NAKAPAGPIYANSA na si dating Foreign Affairs Secretary Perfecto Yasay para sa apat na bilang ng paglabag sa banking laws.

Kaninang umaga nang pansamantalang lumabas ng Manila Doctors Hospital si Yasay para makapaglagak ng kabuuang P240, 000 na piyansa sa Manila Regional Trial Court Branch 10.

Matapos makapagpiyansa at pansamantalang makalaya, bumalik ang dating kalihim ng DFA sa ospital para sumailalim sa iba pang medical tests.

Ayon kay Yasay, ngayon ay magsisimula na ang kanyang laban para sa hustisya at patunayan ang kanyang pagiging inosente sa nasabing kaso.

Kagabi nang itakbo sa ospital si Yasay dahil sa high blood pressure ilang oras matapos arestuhin sa umano’y paglabag sa General Banking Law at New Central Bank Act.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *