National

Dating DOH Secretary Cabral, posibleng makasuhan ng ‘obstruction of justice’ dahil sa dengvaxia

BINALAAN ni Public Attorney’s Office (PAO) Chief Persida Acosta si Dating Health Secretary Esperanza Cabral.

Kasunod ito ng pag-apela ni Cabral sa Department of Justice (DOJ) para ipanawagan sa PAO na itigil na ang imbestigasyon kaugnay sa umano’y mga biktima ng dengue na nabakunahan ng Dengvaxia vaccine.

Sinabi ni Acosta na posibleng makasuhan ng obstruction of justice si Cabral dahil sa umano’y pagpapahinto nito sa isinasagawang imbestigasyon.

Paliwanag ng PAO na ang kanilang imbestigasyon ay mayroong pattern sa pagkamatay ng nasa limang bata na nabakunahan ng Dengvaxia ayon na rin sa otopsiya na isinagawa ng forensic experts.

Naging basehan ni Cabral ang ulat ng mga eksperto mula sa UP-Philippine General Hospital na tatlo lamang sa labing apat na umano’y biktima ng Dengvaxia ang namatay dahil sa dengue.

Depensa ni acosta na si Dr. Erwin Erfe, na nagsagawa ng otopsiya, ay isang forensic experts at abogado.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *