50th Glastonbury Festival
Showbiz

Dating Beatles member Paul McCartney, pangungunahan ang 50th Glastonbury Festival

HEADLINE para sa inaabangang 50th Glastonbury Music Festival ang former Beatles member na si Paul McCartney.

Ayon sa co-organizer ng Musicfest na si Emily Eavis, isang dream come true ang muling pagtatanghal ni Paul sa Glastonbury.

Magaganap ang pinakamalaking British Music Festival sa June 27 sa susunod na taon.

Huling nagtanghal ang 77-year-old music legend sa pamosong pyramid stage ng Glastonbury noong 2004.

Magugunitang agad na na-sold out sa loob lamang ng 34-minuto ang kabuuang 135,000 na tickets para sa nasabing music fest.

 

SMNI NEWS 

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *