Daniel Padilla, balak pakasalan si Kathryn Bernardo bago umabot ng 30

Daniel Padilla, balak pakasalan si Kathryn Bernardo bago umabot ng 30

INAHAYAG ni actor Daniel Padilla ang mga plano niya sa buhay sa isang virtual conference para sa kanyang digital concert “Apollo.”

Kasama sa plano ng aktor ay ang pakasalan ang kanyang long-time girlfriend na si Kathryn Bernardo.

Ayon kay Daniel, beach wedding ang dream wedding niya at gusto niyang magpakasal bago siya mag-30 years old.

Dagdag pa ng aktor, ayaw na niyang papatakin sa 30s dahil mabilis na daw ang oras noon.

Ani pa nito natulungan sila nang pandemya na ma-assess ang kahandaan nilang dalawa ni Kathryn sa pagpapamilya.

Pahabol naman ng actor na nakita niya kay Kath na handa na itong maging asawa niya.

Samantala, sinabi rin ni Daniel Padilla na kailangan pa nilang mag-ipon para ‘pag dumating na ang tamang panahon na bubuo na sila ng sarili nilang pamilya ay hindi nahahati ang oras sa pamilya at trabaho dahil marami na silang naipon.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *