tinapos
Sports

Dallas Mavericks, tinapos ang 10-game winning streak ng Los Angeles Lakers

NAPUTOL na ang 10-game winning streak ng Los Angeles Lakers.

Ito ay matapos silang talunin ng Dallas Mavericks sa nagpapatuloy na regular season ng NBA na nagtapos sa iskor na 114-100.

Umarangkada ang Mavericks sa 2nd half ng laro matapos namagpaulan ng 21 points si Luka Doncic.

Mas dinomina ng Mavericks ang Lakers sa 3rd quarter matapos silang umiskor ng 28 points kontra sa 5 puntos ng lakers.

Pinangunahan ni Doncic ang pagkapanalo ng Mavericks na nakapagtala ng double-double performance na may 27 points at 10 assists na sinundan din ng double digit performance mula kay Kristaps Porzingis, Dwight Powell, Delon Wright at Justin Jackson.

 

SMNI NEWS 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *