dalawang terorista
Metro

Dalawang terorista na iniuugnay sa Marawi siege, naaresto

ARESTADO ang dalawang terorista na iniuugnay sa Daulah Islamiyah.

Sa pulong balitaan sa Camp Crame, kinilala ni PNP Chief Police General Oscar Albayalde ang mga suspek na sina Arnel Flores Cabintoy at Feliciano Mañas Sulayao na naaresto sa Tandang Sora, Quezon City.

Ayon kay Albayalde, inaalam pa kung may planong panggugulo ang dalawa sa Metro Manila.

Nabatid na ang mga suspek ay kabilang sa “support groups” sa kasagsagan ng Marawi siege noong 2017.

Nahaharap ang mga ito sa kasong illegal possession of explosives.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *