Dalawang Pinoy, nasawi sa naganap na massive explosion sa Lebanon

Dalawang Pinoy, nasawi sa naganap na massive explosion sa Lebanon

DALAWANG Pinoy ang kabilang sa mga nasawi sa naganap na massive explosion sa Beirut Port sa Lebanon.

Ito ang kinumpirma ni Affairs Assistant Secretary Eduardo Meñez.

Maliban sa mga nasawi, umakyat na rin aniya sa walo ang bilang ng mga Pinoy na nasugatan sa naturang pagsabog habang labing isa naman ang naiulat na nawawala.

Woodprofit

Batay sa datos ng Department of Foreign Affairs (DFA), tanatayang nasa 33,000 ang mga Pinoy na ninirahan sa Lebanon kung saan 75% nito ay nasa Beirut City.

Sa ngayon, patuloy naman ang pagkalap ng datos ng DFA sa mga Filipino community doon para malaman kung may mga Pinoy pang nadamay sa naturang pagsabog.

Batay sa inisyal na imbestigasyon ng Lebanon authority, posibleng mula sa warehouse ng mga nakumpiskang “explosive materials” nagmula ang naturang pagsabog.

SMNI NEWS

PHOTO JOB

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *