Datu Odin Sinsuat sa Maguindanao
Regional

Dalawang pagsabog, naitala sa Datu Odin Sinsuat sa Maguindanao

INIIMESBTIGAHAN na ngayong ng mga otoridad ang dalawang pagsabog na naitala sa bayan ng Datu Odin Sinsuat sa Maguindanao.

Unang naitala ang pagsabog pasado ala-una ng madaling araw sa Barangay Salican Poblacion Malapit sa munisipyo ng Datu Odin Sinsuat.

Narekober sa site of explosion ang ilang bahagi ng fragmentation MK 2 hand grenade.

Pasado 7:00 naman ngayong umaga ng muling binulabog ng pagsabog ang naturang bayan.

Naitala ang pangalawang pagsabog malapit rin sa munisipyo.

Kaugnay nito, agad na nag-deploy ng military tank ang Philippine Marines sa lugar matapos ang insidente ng pagsabog.

Wala namang naitalang nasugatan o nasawi sa dalawang pagsabog.

Sa ngayon, inaalam ng mga otoridad kung nais lamang takutin ang mga botante na bumoto at kung sino ang posibleng nasa likod nito.

SMNINEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *