sumuko
Regional

Dalawang miyembro ng Communist Terrorist Group, sumuko sa pwersa ng pamahalaan sa South Cotabato City

SUMUKO ang dalawang miyembro ng Communist Terrorist Group (CTG) na iniimbestigahan ng pwersa ng pamahalaan sa Lake Sebu, South Cotabato.

Ayon kay Lt. Gen. Felimon T. Santos Jr., Commander Eastern Mindanao command, napagdesisyunang sumuko ng dalawang rebelde sa kanilang organisasyon dahil sa takot sa namataang mga helicopters at maigting na pursuit operations ng militar matapos ang kanilang naging engkwentro laban sa parehong unit noong Nobyembre a-15.

Sumuko ang dalawang rebeldeng kinilalang sina alyas Kapitan at alyas Nannei sa 27th Infantry Battalion at isinuko na rin ng mga ito maging ang kanilang mga armas.

Dagdag pa ni Santos, seryoso sila pagtugis sa mga armadong grupo at gagamitin nila ang lahat ng kanilang assets upang habulin ang mga rebeldeng patuloy na nanggugulo sa lugar.

Hinimok naman nito ang mga publiko na payuhan ang mga kaibigan o kamag-anak na may koneksyon sa teroristang grupo na sumuko bago mahuli ang lahat.

Sa ngayon ay nasa headquarters ng 27th ib ang dalawang sumukong rebelde para sa custodial debriefing at proper disposition.

 

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *