Dalawang Miss Grand International, nagpositibo sa COVID-19

Dalawang Miss Grand International, nagpositibo sa COVID-19

Dalawang Miss Grand International, nagpositibo sa COVID-19 matapos ang resulta sa State’s Quarantine at regular routine COVID-19 swab test.

Kinumpirma ng Miss Grand International Organization na dalawa sa mga kandidata nito ang nagpositibo sa coronavirus disease 2019 o COVID-19.

Kinilala ang Miss Grand International na sina Miss Kenya Irene Ng’Endo at Miss Ngeria Chikaodili Nna-Udosen.

Miss Kenya Irene Ng’Endo
Miss Kenya Irene Ng’Endo
Miss Ngeria Chikaodili Nna-Udosen
Miss Ngeria Chikaodili Nna-Udosen

Ayon sa pahayag ng Miss Grand International, dinala na ang dalawang Miss Grand International candidates sa private hospital para ma-isolate at magamot, ayon na rin sa Standard Regulated Guideline na inirekomenda ng Thai government.

Kasalukuyan ngayong nasa Bangkok Thailand ang mga kandidata ng Miss Grand International kabilang na ang pambato ng pilipinas na si Samantha Bernardo para sa nalalapit na Miss Grand International 2020 pageant sa darating na Marso 27, 2021.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *